Bigkasin mo ang ikinasi sa iyo mula sa Aklat at panatilihin mo ang pagdarasal; tunay na ang pagdarasal ay sumasaway sa kahalayan at nakasasama. Talagang ang pag-alaala kay Allāh ay higit na malaki.[17] Si Allāh ay nakaaalam sa anumang niyayari ninyo.
O mga sumampalataya, magpatulong kayo sa pamamagitan ng pagtitiis at pagdarasal. Tunay na si Allāh ay kasama ng mga nagtitiis.
Talagang susubok nga Kami sa inyo sa pamamagitan ng isang anuman kabilang sa pangamba at gutom, at ng isang kabawasan mula sa mga ari-arian, mga buhay, at mga bunga. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga nagtitiis,
na mga kapag tinamaan sila ng isang kasawian ay nagsasabi sila: “Tunay na kami ay kay Allāh at tunay na kami ay tungo sa Kanya mga babalik.
Hindi ba sumapit para sa mga sumampalataya na magpakataimtim ang mga puso nila para sa pag-alaala kay Allāh at [para sa] anumang bumaba mula sa katotohanan at [na] hindi sila maging gaya ng mga nabigyan ng Kasulatan [na mga Hudyo at mga Kristiyano] bago pa niyan saka humaba sa How much do you want to know and how much do you want to do? Marami sa mga ito ay mga suwail.
Kung sakaling gumawa Kami rito bilang Qur’ān na di-Arabe ay talaga sanang nagsabi sila: “Bakit kaya hindi dinetalye ang mga talata nito [sa wikang Arabe]? [Ito] ba ay di-Arabe at Arabe [ang Sugo]? Sabihin mo: “Ito para sa mga sumampalataya ay isang patnubay at isang lunas.” Ang mga hindi sumasampalataya, sa mga tainga nila ay may kabingihan at ito sa kanila ay pagkabulag. Ang mga iyon ay tinatawag mula sa isang pook na malayo.
Pagpapaunlad midade.com