O mga May Kasulatan, dumating nga sa inyo ang Sugo Namin na naglilinaw sa inyo ng marami mula sa dating itinatago ninyo mula sa Kasulatan at nagsasaisang-tabi sa marami. May dumating nga sa inyo mula kay Allāh na isang liwanag at isang Aklat na naglilinaw
na nagpapatnubay sa pamamagitan nito si Allāh sa sinumang sumunod sa kaluguran Niya, na mga landas ng kapayapaan, nagpapalabas Siya sa kanila mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag ayon sa pahintulot Niya, at nagpapatnubay Siya sa kanila tungo sa landasing tuwid.