Al Ma’idah 2
O mga sumampalataya, huwag kayong magwalang-galang sa mga sagisag ni Allāh ni sa Buwang Pinakababanal ni sa handog, ni sa mga nakakuwintas [na alay], ni sa mga nagsasadya sa Bahay na Pinakababanal na naghahangad ng isang kabutihang-loob mula sa Panginoon nila at isang pagkalugod. Kapag kumalas kayo [sa iḥrām ay maaaring] mangaso kayo. Huwag ngang mag-udyok sa inyo ang pagkasuklam sa ilang tao na sumagabal sa inyo sa Masjid na Pinakababanal [sa Makkah] na lumabag kayo. Magtulungan kayo sa pagsasamabuting-loob at pangingilag magkasala at huwag kayong magtulungan sa kasalanan at pangangaway. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay matindi ang parusa.