Huwag mag isip ng masama kay Allah dahil wala tayong karapatan na mag isip ng masama sa maykapal na siyang lumikha sa atin. Lahat ng mabuting pagiisip lamang ang ating iisipin.
Kahit ano paman ang iyong posisyon dito sa mundo, kung may Islam ka sa iyong Puso ito parin ang pinakamahalaga.
Ang kabutihang gawain maliit man o malaki kay Allah ito ay may gantimpala.
Kung ikaw ay manalig kay Allah , magiging matuwid ka.
Ang layunin ng pagsubok ni Allah ay upang mabatid kung sino ang tapat sa kanyang mananampalataya o sino ang nagsisinungaling
Kahit anong pagsubok maliit man ito ay nag aalis ng ating kasalanan.
Pagpapaunlad midade.com