Tunay na ang Qur’ān na ito ay nagpapatnubay para sa siyang pinakaangkop at nagbabalita ng nakagagalak sa mga mananampalataya na gumagawa ng mga maayos na ukol sa kanila ay isang pabuyang malaki [sa Paraiso],
Ang Napakamaawain [na si Allāh] ay nagturo ng Qur’ān, lumikha ng tao, nagturo rito ng paglilinaw.
Bigkasin mo ang ikinasi sa iyo mula sa Aklat at panatilihin mo ang pagdarasal; tunay na ang pagdarasal ay sumasaway sa kahalayan at nakasasama. Talagang ang pag-alaala kay Allāh ay higit na malaki.[17] Si Allāh ay nakaaalam sa anumang niyayari ninyo.
O mga sumampalataya, magpatulong kayo sa pamamagitan ng pagtitiis at pagdarasal. Tunay na si Allāh ay kasama ng mga nagtitiis.
Talagang susubok nga Kami sa inyo sa pamamagitan ng isang anuman kabilang sa pangamba at gutom, at ng isang kabawasan mula sa mga ari-arian, mga buhay, at mga bunga. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga nagtitiis,
na mga kapag tinamaan sila ng isang kasawian ay nagsasabi sila: “Tunay na kami ay kay Allāh at tunay na kami ay tungo sa Kanya mga babalik.
Pagpapaunlad midade.com